Tanong
Gumising ako isang umaga na hindi ko alam saan tutungo.
Nagbihis, lumabas, lumakad, papuntsa kung saan sila patungo
Hindi namalayang mga mata'y napupuno na ng luha
Dahil alam ng puso na gusto na nitong lumaya.
Sinubukang itama lahat ng kamaliang nagawa
Ngunit hindi batid kung saan nga ba magsisimula.
Dahil sa bawat hakbang ay sabay patak ng luha
Pusong pagod, malungkot ngunit takot magpalaya.
Saya at lungkot, siya ang nagdadala
Kung papalayai'y, paano na?
Sa bawat pagbangon sa umaga, kanino tataya,
Kung ang tanging dahilan ng pagmulat ng mata ay wala na.

Comments
Post a Comment