sapantaha (i)



Paano ka nga ba maalala? Kapag swerte ka, tatlong beses sa isang taon.  Kung okay ka lang, isang beses. 1 in 365 or 3 in 365. Depende kung paano ka nakilala, minahal o nabuhay. Mga bagay na tumatakbo sa isip ko sa araw na ito. 

Una.
Birthday mo. Araw kung kailan ka nabuhay sa mundo. Marami ang makakaalala lalo na kung naka-set ito sa Facebook profile mo. Ipapaalala ito sa notification bar ng mga kapamilya, kaibigan, followers, acquaintances at mga estranghero na "huy, birthday nya, batiin mo!" Eto ang buhay sa technology enabled na mundo, kahit sino makakaalala ng birthday mo.

Pangalawa.
November 1. Syempre, sa lahat ng mga araw, eto siguro yung sure win, lahat maalala ka, syempre, araw mo 'to eh. Pinakaantay ng lahat, dadalaw, iinom, magre-reunion. This is your day, the day that everyone gathers to remember you and everyone else who needs to be remembered. Ito yung araw na nakalaan para sayo, pinaghahandaan ka, inaalala. Iba nung mga oras na andyan ka pa, sa araw na 'to, ikaw yung bida.

Pangatlo.
Eto yung araw na minsan inaalala, minsan kinakalimutan. Araw kung kailan ka nawala, kung kailan ka nagpahinga. Kung kailan mo sinabi sa mundo na pagod ka na at kailan sinabi ng mundo na "halika na, tara na." Yung araw na minsan, ikaw ang pumili pero kadalasan, pinili ng mundo para sa'yo. Hindi lahat tinatanggap ito. Kahit ako man, pipiliin ko na lang kalimutan.


Kung maalala ako, gusto kong piliin ang una lang. Gusto kong maalala nila na nabuhay ako. Iniluwal, naglakad, natuto, sumaya, umiyak, nagmahal, minahal pero napagod. Napagod sa hirap at ingay ng mundo. Napagod sa paghakbang sa araw-araw na 'tila walang katuturan. 

Minsan naiisip ko, kailan darating ang mga araw na ito sa tatlong daan at anim na pung araw ang buhay ko. Ilang araw kaya ang ibibigay sa akin ng mga tao sa paligid ko? Isa, Dalawa, Tatlo? O baka naman wala, dahil ang unang tanong dapat ay, may makakaalala ba sa'yo?

Comments