sapantaha (i)
Paano ka nga ba maalala? Kapag swerte ka, tatlong beses sa isang taon. Kung okay ka lang, isang beses. 1 in 365 or 3 in 365. Depende kung paano ka nakilala, minahal o nabuhay. Mga bagay na tumatakbo sa isip ko sa araw na ito. Una. Birthday mo. Araw kung kailan ka nabuhay sa mundo. Marami ang makakaalala lalo na kung naka-set ito sa Facebook profile mo. Ipapaalala ito sa notification bar ng mga kapamilya, kaibigan, followers, acquaintances at mga estranghero na "huy, birthday nya, batiin mo!" Eto ang buhay sa technology enabled na mundo, kahit sino makakaalala ng birthday mo. Pangalawa. November 1. Syempre, sa lahat ng mga araw, eto siguro yung sure win, lahat maalala ka, syempre, araw mo 'to eh. Pinakaantay ng lahat, dadalaw, iinom, magre-reunion. This is your day, the day that everyone gathers to remember you and everyone else who needs to be remembered. Ito yung araw na nakalaan para sayo, pinaghahandaan ka, inaalala. Iba nung mga oras na andyan ka ...