Paano, Kailan

Paano nga ba magmahal?
Paano mo masasabi na totoong nagmahal ka?
Paano mo masasabi na kaya mong magmahal?
Paano nga kaya magmahal ng totoo?

Paano nga ba masaktan?
Paano mo masasabi na nasasaktan ka?
Paano mo masasabi na kaya mong masaktan?
Paano nga kaya masaktan ng totoo?

Paano? Isang tanong na pilit kong sinasagot.
Sa buhay na tinahak ko, ito na siguro ang pinakamahirap sagutin.

Paano nga ba nagiging mali ang isang bagay?
Paano nga ba maiitatama ang mga mali?
Paano nga ba mawasak?
Paano kung ikaw ang nakawasak?

Paano nga ba tumayo muli?
Paano nga ba makakabangon sa hukay na ako mismo ang gumawa?
Paano nga ba susundin ang tama?
Paano nga ba? Paano ba?

Kailan nga ba makakabangon?
Kailan nga ba makakapag-simulang muli?


Comments